Matamis na ang ASIN ngayon

kanina lamang ay napadaan ako sa art site ng isa sa aking mga kaibigan simula pa noong ako’y nasa elementarya, si TOPE. hanggang ngayon wala pa ring kupas ang mga kamay niya sa paggawa ng mga magagandang arts.
natuwa ako sa isang comic strip na ito na gawa niya.

(click nyo para lumaki)

natutuwa akong maala-ala na minsan ay naging mag super close kami sa isa’t-isa. Tatlo kami noon. Si Dante. Ngunit masyado ng naging seryoso ang buhay niya. Pero alam ko kaya niya yun. Si Dante pa!
Halos dun na ako matulog noon kala Tope at dun ako kumakain sa kanila ( kapal muks ko noh!) hehe. Napaka-bait ng kanyang pamilya sa akin at sa iba pa naming mga kaibigan. Pero syempre kami ngayon ay malalaki na.
Madami ng mga obligasyon sa buhay, lalo na siya bilang panganay. Minsan na lang kami magkita. Miss ko na siya. Miss ko na ang dating samahan. Ang aming mga kaklase. Ang aming mga kalokohan. Ang aking kaibigan.

— lapit na february. gawa ako ng bagong archives. monthly archiving na lang ako. sa mga chinese brothers natin, KUNG HEI FAT CHOI. taon ngayon ng mga aso. sana hindi kumalat ang mga pulgas at garapata.

Advertisements

About this entry