Youve Got Mail

Matagal ko ng hinahanap ang CD ko ng pinaka paborito kong palabas, ang You’ve Got Mail. Si Tom Hanks ang paborito kong actor, sinamahan pa ni Meg Ryan na isa rin sa mga paborito ko. Pinanood ko ito noong 1998 pa. Binili ko pa ang original CD nito.
Pero nung hiramin ito ng aking classmate nung nasa 3rd year HS ako, hindi na ito naibalik sa akin. Nawala daw. =(

Naghanap ako ng kopya sa bawat Odyssey na mapuntahan ko, pati na rin sa quiapo (lapit lang sa school eh) hehe. Pero BIGO ako. Kaya kung sino man ang may CD nito, sana naman ibenta nyo na lang sa akin hehe. Namiss ko to kagabi ng makita ko ang preview na ipapalabas ito sa cable.
Kahit napanood ko na ito ng maraming maraming maraming beses na, hehe, di pa rn ako nag sasawa. Ibenta nyo skain, wag lang lalagpas ng php600 ha?? hehehe. contact me ^^

Advertisements

About this entry