Lintak na Friendster yan!

Matagal ng nangyayari ito pero ngayon ko lng ilalabas ang hinaing ko sa friendster na yan !
Para sabihin ko sa inyo, hindi lahat ng tao can afford mag DSL. Masyadong napaka unfriendly ng friendster. Mabagal ang browsing, matagal mag load, at kulang na lang pati yung front page eh punuin ng mga AD banner.

Isa pa sa kina-aasaran ko ay yung mga taong may ari ng mga kakaibang profile (kakaiba talaga). Yung may mga background na gif, yung mga gumagalaw, kala nyo maganda?? Uy, tae kayo, nakakahilo, ang sakit sa mata.

Nakakatuwa nga nung bumisita ako eh, may mga friend request na hindi ko kilala, siguro nag cocollect ng mga friends, eh di go naman ako sa pag check kung sino sila, aba’y parang ayaw magpa-kilala. Gawin ba namang kakulay ng background ang font?? Ang shunga naman!! Ayaw yatang ipabasa ang laman ng profile nila.

At higit sa lahat, yung mga testimonials… nyak!! Hindi na masasabing testimonals pa iyon, kasi parang naging comment box na at batian portion na. Oo nga’t masaya at nakakatuwa yung may magbibigay ng testi sayo, pero wag naman yung napaka-habang *F-R-I-E-N-D-K-O-Y-A-N* na gawa sa pinagsama-samang mga letters!!!
Naku isa lang ang masasabi ko … … …

Friendster is very much unFRIENDLY

Advertisements

About this entry