Hmmp!! Pwede!!

QuizGalaxy.com!

Take this quiz at QuizGalaxy.com

haha, just awhile ago, i was looking for some quiz to answer on, and then i was directed to the quiz above. Reincarnated GOD?? Naalala ko tuloy when i was still in High School, my teacher in Math, Mrs. Poblete use to tell me

“Si alvin ay malapit na kamag-anak ni Lord.”

It all started when she came one day to our class to teach to us even though she is suffering from a 3-day-old fever. Our class decided na wag ng mag klase para di mahirapan si ma’am. So we just sit and talk with her for full 2 hours (breaktime kasi sunod nun kaya nag extend ng stay si ma’am).
By her looks, you can definitely tell she is not feeling well. Then i remember meron pala akong biogesic sa bag ko (nanay ko kasi nagagalit pag wala kaming gamot sa bag). Then i offered her the medicine. But before doing so, nagbibiruan kami na dasalan muna yung gamot para daw lumabas yung masamang ispiritu kay ma’am (biro lang). Then isa isa kaming pabirong nag dasal dun sa biogesic (5 kaming nakaharap kay ma’am, pang 3 ako).
Right after nun, ininom ni ma’am yung gamot. Ang dasal ko eh .. “Lord tulungan mo po si Babsy (tawag namin kay ma’am Poblete, mataba kasi siya,pero ok lng sa kanya ang ganung tawag) na gumaling na para maka-kain n ulit siya ng marami. Baka po pumayat yan, sige kayo, hindi na kami tuturuan niyan. Sana po ag ininom niya ang gamot na’to, bago mag 2 o’clock gagaling na siya.”
After nung mga biruan namin, bumalik na si ma’am sa faculty at kami naman ay nagsi-lamunan na. Miraculously, bumalik si ma’am before 2pm at sabi niya naging totoo daw yung pabirong dasal namin. She’s feeling better at that moment, wala na daw siyang lagnat.

Kakaiba pero 100% na nakakatuwang i-reminisce ang mga ganung pangyayari. At alam nyo ba,

[edit] isa si ma’am sa nag impluwensiya sa akin na kumuha ng kursong nursing [/edit] at natutuwa ako dun. Ang huling balita ko ay hindi na daw nag tuturo dun sa school namin si Babsy.
God bless you ma’am wherever you are.

Advertisements

About this entry