Life Is Absurd

It’s 12:03 am. Kagigising ko lang. I must get ready for my hospital duty.

Malamig. Nakakatakot maligo. Pero mas malamig ang pakiramdam sa tuwing naiisip ko ang nangyari kaninang umaga. Namatay na ang isa sa 10 pasyenteng inaalagaan ko. :(

Isa siyang cancer patient. Cancer of the bones.Araw-araw nakikita ko siya. Araw-araw naririnig ko ang mga daing niya sa bawat pag-kilos na kanyang gagawin. Masakit ang ganitong uri ng cancer. Parang wala kang buto. Sa bawat pag-galaw, parang isang milyong karayom ang tumutusok sayo.

Sa bawat araw na nakikita ko siyang ganito, lagi kong naiisip, 9 years old lang yung bata. madami pa siyang pwedeng gawin. pano kung ang magiging anak ko ay magkaroon ng ganyan.

Salat sila sa pera, nasa charity ward nga lang sila. Ilang chemo-therapy sessions na rin ang hindi niya nakuha. Marahil ito ang dahilan kung bakit yung 1 year na binigay na taning sa kanya, ay naging 4 months lang. :(

ang bata pa niya para mamatay. ilang taon pa lang siya sa mundo. Pinanganak ba siya para maging ganito??. Nabuhay siya para mamatay. Ganun din tayo.

Grace, malaya ka na. Free from diseases. Free from the worlds’ absurdity. Right in the arms of our Lord.

Advertisements

About this entry