State of National Emergency

Nasa palawan ako nung ideklara ito ni Ate Glo. Nagsasagawa kami ng isang malakihang medical mission.

Ang deklarasyong it ay isang kahibangan. Isang napakalaking pag-supil sa ating kalayaan. Kanina, kaming lahat ay nagsi-uwi na mula sa aming mission. Nasa bus
ako at isang kaibigan papunta ng eskwelahan.
Laking gulat ng lahat ng pasahero ng biglang may umakyat na 3 naka-unipormeng mga sundalo, sukbit ang kanilang mga nag-lalakihang mga armalite at mga naglalakihang mga aso.

Eh syempre,ano bang magiging reaksiyon ng mga tao. Nagulat lahat. Natuwa nga ako sa isang matandang babae na nasa aming harapan. Talagang sinigawan niya yung leader ng mga umakyat na sundalo at sabay sbai ng ganito: “ano to ha?? talaga bang gusto nyo ng igaya noon kay marcos? yang presidente nyo ay talagang napaka-talinong bobo”. sabay tawa lahat ng tao.

Nagalit yung leader ng mga sundalo at sinigawan yung matanda at sinabing mag-ingat daw sa mga pinagsasabi. Pinagalitan rin ako nung sundalo nung subukan kong kunan ng picture sa aking phone yung asong nang-aamoy hehe

After ng mga siguro 10 minutes na pagpapa-amoy dun sa aso tapos pagkap-kap sa amin, umalis na rin sila.

Pag-alis na pag-alis ng mga sundalo, iba’t-bang reaksiyon ang aking narinig. at ito ang mga nakakatuwa at may mga point na mga narining ko”

“Mas ok na pa noon kay erap, kahit na bobo, mabait naman, hindi gaya ngayon”

“May topak yan si gloria eh, kung kapitbahay ko lang yan matagal ko na yang pinatay eh”

“Eng-eng talaga yan, galing nga sa Harvard, kaso yung natututunan niya sa harvard hindi umabot sa utak, nasa puwet lang yata” (hehe, super natawa ako dito)

Ilan lang yan sa mga narinig ko at medyo-medyo agree ko sa kanila hehe. halos lahat kasi ng mga nagsalita tungkol kay gloria ay mga may edad na. bago ako bumaba ng bus, may binatilyo akong narinig na nagsalita, hehe, natawa ako sa kanya, sabi kasi niya, ” si lola ang tanda na humihirit pa, kayo na lang ho ang gawin naming presidente,” (sabay bulong ng…)”after 1 year patay na kayo sa konsimisyon”

Ang masasabi ko lang para sa ating mga kababayan, magising na ho kayo. Sobrang ginagago na tayo ng mga namumuno sa atin. At para kay
Ate Glo, baba ka na jan. Baka mahulog ka pa, mas masakit yun!

Advertisements

About this entry