Wild Ride

Hmmm. isa itong literal na wild ride.

Kaninang umaga, habang ako’y pauwi ng cavite, naisipan kong ‘wag mag-bus. At sumakay sa isang jeep. Umupo ako sa bandang dulo malapit sa likod ng drayber.

Nasa bandang cavite-manila expressway na kami ng biglang mag-alburuto ang aking kaharap na babae. Kala ko nga ay ina-atake ng sakit. Hindi pala.

Ay tama pala, ina-atake ng sakit, sakit sa utak. Sabi ng kasama niya ay nasa lahi daw yun nung babae.

Habang nagwawala siya, hindi ko naman malaman ang gagawin kasi ako yung nasa harap niya, nasipa pa tuloy ang damit ko (nakaputi pa naman akong uniform), halos humiga na siya dun sa gitna ng jeep, lalong sumikip yung saskayan kasi punong-puno na nga, umiiwas pa yung iba kaya lalong sumisikip.

Nakakaawa siya. At totoong naawa ako, lalo na dun sa kasama niya. Isang pasensiyosong asawa. Pilit niyang pinapa-kalma yung asawa niya, pilit niyang ina-alo. Hirap na talaga siya at buti na lang ay kumalma yung babae. Alam na alam niya talaga pano pakalmahin ang asawa niya. Nakita, lumuha yung lalaki. Nadurog ang puso ko.

Kalmado na ang lahat. Huminto saglit ang jeep sa harap ng SM Bacoor. Malayo ang aking tingin. Naramdaman ko na lamang na may humahawak sa aking mga paa. Tinignan ko kung ano yun, isang bata, batang pinipilit punasan ang sapatos ng mga pasahero kapalit ng piso na ibibigay sa kanila.

Hello bata, rubber-clothe shoes po ang suot ko. Hehe, lalong nangitim ang puti kong sapatos. Naka-ngiti lang ako sa bata sabay abot ng 7.25P na sukli sa akin ng drayber sa aking bayad. Nakita kong malaki ang ngiting idinulot nito sa paslit.

Traffic. Nakatulog ako sa biyahe. Nagising na lang ako ng malapit na ako sa aking destinasyon. Wala na ang baliw na babae at ang kanyang asawa. Wala na ang batang nag-pupunas ng mga sapatos. Dalawa na lang kaming pasahero. Gusto kong isiping panaginip lang lahat iyon. Pero hindi. Sa araw na ito, nakita kong muli ang iba’t-ibang mukha ng tao.

Advertisements

About this entry