Sentimyento

Narinig mo na bang nag-reklamo ako?

Nasaktan na ba kita kahit minsan?

Pinipigilan ba kita sa mga gusto mong gawin?

Nagalit na ba ako sa’yo ng walang malalim na dahilan?

Kung masasabi mong OO ang sagot mo sa harap ko, ako na mismo ang lalayo.

‘Wag mo sanang gawing dahilan na wala akong oras dahil alam mong buong buhay ko ay nasa’yo.

‘Ni minsan hindi kita sinumbatan. Tiniis ko lahat. Mag-mukha man akong tanga ayus lang.

Hindi mo nakikita ang mga bagay na ‘yun. Hindi mo nakikitang ginagawa ko lahat dahil mahal kita.

[EDIT] Ako po ay humihingi ng dispensa sa mga tao sa blog community lalo na sa aking mga link na pinag-tripan ng aking pamangkin habang ako’y wala sa bahay. Sa mga pinag-salitaan niya ng hindi magaganda, sa mga masamang bagay na kanyang idinulot sa inyo. Ako na po mismo ang humihingi ng inyong pagpapa-tawad. Salamat po. [/EDIT]

Advertisements

About this entry