A B N K K B S N P L A Ko?! – mga ala-ala ni nanay

Kanina habang nagliligpit ako ng mga gamit ko pauwi ng cavite, nakita ko ang librong ini-regalo sa akin ng aking nanay noong birthday ko dalawang taon na ang nakakaraan. A B N K K B S N P L A Ko?! by Bob Ong. At aba, si nanay nga pala ang matyagang nagturo sa akin ng pagbabasa kaya naman 3 taon pa lang ako, marunong na akong bumasa.

Naalala ko tuloy ang mga kwento sa librong ito na nakakatuwa at talagang ma-e-entertain ka, with matching balik-tanaw sa iyong pagka-bata.

Sa tuwing naaalala ko si nanay at ang aking pamilya, binabasa ko ito, kahit ilang beses ko na siyang nabasa, sige lang ng sige, hanggang sa matawa ako sa paulit ulit na joke, hanggang sa maiyak ako sa paulit ulit na memories ng aking kabataan, nung kasama ko pa halos araw-araw si nanay.

Mga memories na hanggang sa memory na lang, na hindi tulad ng palabas na pwede mong i-replay. At sana lang pwede pa ring gawin ulit. Oh buhay!

Dati kahit birthday ni nanay hindi ko siya binabati, kahit pasko o bagong taon. Nahihiya kasi akong magsabi sa kanya ng mga ganun, ewan ko ba. Kung dadalhan ko man si nanay ng paborito nyang Knick-Knacks na chocolate stick noong elementary pa ako, sinasabi kong binili ko lang yun kasi pinapaubos ng teacher yung laman ng Sari Tray, yung binibili pag recess, kahit na binili ko talaga yun para sa kanya.

Minsan nakakalimutan ko yung birthday ko, pero lagi niyang pinapa-alala sa akin yun. Pag pinapalo ako ni tatay nandyan lagi si nanay para humarang.

The best talaga si nanay eh. Mas magaling siya sa mga nanay nyo. Eh syempre nanay ko yan eh.

Hapy Mothers day ‘nay! Ingat kayo jan. Pasensya na at ganito lang talaga siguro ang buhay estudyante, laging wala sa bahay. Sa susunod, kayo naman ang aalagaan ko. A B ! P nga Ko yan.

Advertisements

About this entry