reality fun facts

Nang mag- Community Medicine ako noon sa isang slum area ng Sta. Ana,Manila. Ito ang top 3 gamit na hindi mawawala sa mga bahay, gaano mangkaliit ang barung-barong:
1. Panyong may tatak na panalangin ng El Shaddai
2. Television
3. Karaoke.
Sa PGH, may tinatawag na Central Block. Nandoon ang Radiology Department kung saan ginagawa ang mga X-rays, Ultrasound, CT Scan at Radiotherapy. Dito ko naobserbahan ang evolution ng mga pinoy medical terms. May mga pasyente o bantay na aking nasasalubong na madalas magtanong ng direksyon.Mga Versions ng CT Scan: (Ganon na rin yon, no!)
1. “Dok saan po ba ang Siete Scan?”
2. “Doc saan po ba magpapa-CT Skull”
3. “Doc saan po ba CT Scalp”
4. “Doc saan po ang CT Scam?”
Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta sa Cobalt Room. “Doc saan po ba ang Cobal” Yes, laging walang T, marami na ang ginagamit na term ay Cobal. Saan napunta ang “T”. Marami din kasing nagtatanong, “Doc, saan po ba ang papuntang X-Tray?” Conclusion: Ang “T”ng Cobalt, ay napunta sa X-Tray.
7:00 am. Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng instruction sa bantay ng pasyente, “Mister, punta po kayo sa Central Block at magpa-schedule kayong X-ray ng pasyente ninyo.”3:00 pm. Kadarating lang ng bantay. Nagalit na ang doktor, “Mister, bakit namang napakatagal ninyong bumalik? Pina-schedule ko lang naman ang X-ray ah.” Sumagot ang bantay, “Eh kasi po Doc, ang tagal kong naghintay sa gate, haggang sabihin ng guwardiya na sarado daw po ang Central Bank kasi Sabado ngayon.” (Nasa Roxas Blvd ang Bangko Sentral ng Pilipinas, at sarado nga naman yon kapag Sabado, hihihihihi)
Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH, mahal na mahal talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may sakit. Pilit nilang tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.
Doktor: “Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak niyo?”
Mrs 1: “Doc phenobarbiedoll po.”
Doktor: “Ah baka po phenobarbital.” (Gamot sa convulsion angphenobarbital)
Doktor: “Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?”
Mrs 2:”Doc metromanilazole po.”
Doktor: “Ah baka po metronidazole.” (Gamot sa amoeba ang metronidazole)
Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU (Post- Anesthesia Care Unit)
Doktor: “Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak ninyo, punta na po kayosa PACU.
Mrs 3: “Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o sa may palengke?(hehe)
Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.
Mrs. 4: “Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak ko, Doc!”
Doktor: “Nurse, diazepam please, nag-seizure ang pasyente!
Doktor: “Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?”
Mrs. 5: May ketong daw po. In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala siyang makitang senyalesng ketong. Tumawag pa siya ng isang dermatologist para mag-examine nang husto. Wala talaga.
Doktor: “Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang sakit ng bata?”
Mrs 5: “Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati. Mataas daw po ang ketong sa ihi dahil may diabetes.”
Doktor: “Ah ketone po yon! (Hehe. Ang positive ketone sa ihi ay senyales ng kumplikasyon ng diabetes.)
Doktor: (Sa buntis na mrs. na nagle-labor) “Mrs. pumutok na po ba angpanubigan mo?”
Mrs 6: “Eh Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog. ” (Hanep! Wahaha!)
Advertisements

About this entry